Nakalimutan ko kug kailan nga ba kita nakausap ng matino. Siguro kasi nga, kahit kelan hindi mo naman ginustong kausapin ako sa mga serysong bagay. Ganon naman ata talaga kayong mga lalake. Walang pakialam. habang nasa tricycle napapaisip ako. Makakahanap pa kaya ako ng matinong lalaki? Yung tatratuthin ako di gaya ng pantatrato mo sakin. Kasi sa totoo lang, pakiramdam ko pinipilit ko lagi yung sarili ko sayo. “Naku ang mura nyang kaimito o. Murang prutas na bilog. Mabebenta yan tiyak” “Di naman ako kumakain ng kaimito, di kaya masarap yun.” “Nagkakausbusan na yung mga paputok oh.” “Oo nga e, kaso yung iba matumal padin, pano kasi tabi tabi sila.” “Naku mamayang hapon mabenta na yan.” “Oo nga daw pag bandang hapon.” “Pero ako ibibili ko nalang ng isang buong litsong manok yan. Makikinood nalang ako ng paputok ng kapitbahay.” “Ay tama ka.” Buti pa yung tricycle driver nakakausap ko ng ganyan. Sayo. Ewan. Gusto ko ng makakilala ng iba. :’(

Dec 31 -
Random conversation with a tricycle driver

Meta: